MANILA, Philippines – Tatlong weather system ang magdadala ng mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng Luzon at Mindanao sa Biyernes, Disyembre 12, ayon sa PAGASA.
Ang Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), na may panganib ng flash flood o landslide.
Ang mga pag-ulan na dulot ng easterlies ay maaari ring humantong sa pagbaha o pagguho ng lupa sa Bicol Region at Quezon.
Maaapektuhan ng mahinang pag-ulan mula sa Northeast Monsoon ang Cagayan Valley at mga kalapit na lalawigan, na walang inaasahang epekto.
Maaaring makaranas ng isolated rain showers o thunderstorms ang Metro Manila at iba pang lugar dahil sa easterlies. RNT