Home NATIONWIDE Amihan iiral sa Luzon

Amihan iiral sa Luzon

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Northern Luzon ngayong Sabado at magdadala ng mahinang pag-ulan sa ilang lugar, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley na sasabayan ng mahinang pag-ulan,  habang inaasahan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Aurora ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Amihan.

Samantala, makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang coastal waters ay magiging rough sa Northern Luzon, at moderate to rough sa eastern sections ng Central at Southern Luzon, at sa eastern sections ng Visayas at Mindanao.

Slight to moderate coastal waters naman ang inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw ng alas-6:12 ng umaga at lulubog ng alas-6:04 ng hapon. RNT/SA

Previous articleREWIND AND THE RESURGENCE OF PHILIPPINE CINEMA
Next articleSurigao del Sur niyanig ng M-5.4 quake