Home METRO Surigao del Sur niyanig ng M-5.4 quake

Surigao del Sur niyanig ng M-5.4 quake

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.4 na lindol sa silangan ng bayan ng Cagwait sa Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, isang araw matapos ang pagyanig ng magnitude 5.3 na lindol sa parehong lugar noong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natukoy ang epicenter ng lindol 08.86°N, 127.11°E – 089 km S 86° E ng Cagwait, Surigao Del Sur.

Tumama ang tectonic na lindol ng alas-5:28 ng hapon, at inisyal na naitalang magnitude 5.9.

Walang inaasahang pinsala o aftershocks mula sa pagyanig.

Naramdaman ang Intensity IV sa Cagwait at sa City of Tandag, Surigao del Sur; at Intensity II sa City of Bislig, Surigao del Sur.

Naitala rin ang Instrumental Intensity III sa City of Tandag, Surigao del Sur; Intensity II sa Nabunturan, Davao de Oro; at Intensity I sa San Francisco, Southern Leyte. RNT/SA

Previous articleAmihan iiral sa Luzon
Next articleBodega sa Valenzuela nagliyab!