Home METRO Bodega sa Valenzuela nagliyab!

Bodega sa Valenzuela nagliyab!

210
0
Larawan mula sa North Valenzuela Fire & Rescue Volunteers Inc. (Facebook)

MANILA, Philippines- Sumiklab ang sunog sa isang bodega sa Paso de Blas, Valenzuela City nitong Biyernes ng hapon.

Napaulat na kita sa North Luzon Expressway (NLEX) ang maitim na usok mula sa sunog.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region nagsimula ang sunog ng alas-3:15 ng hapon at umabot sa third alarm ng alas-3:46 ng hapon.

Hanggang nitong Sabado ng umaga ay hindi pa tuluyang naaapula ang apoy.

Kinumpirma ito ng BFP sa isang panayam.

Ayon sa BFP Valenzuela ground commander, umabot na sa third alarm ang sunog nitong Sabado ng umaga.

Nagsisilbi ang three-storey facility na matatagpuan sa 4,000-square meter area na bodega ng kitchen utensils at household items.

Anang BFP, tinitiyak nitong hindi maaapektuhan ng sunog ang mga residenteng naninirahan sa likod ng bodega.

Sinabi pa ng bureau na nangangailangan ito ng patuloy na supply ng tubig upang maapula ang apoy.

Walang nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang mitsa ng pagliyab. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here