Home NATIONWIDE PNP nagbabala vs ‘vacation scams’

PNP nagbabala vs ‘vacation scams’

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko nitong Biyernes laban sa vacation scams sa gitna ng pagtaas sa bilang ng mga kasong namo-monitor ng mga awtoridad.

Batay sa Anti-Cybercrime Group (ACG), sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na may kabuuang 478 kaso ng scams sa travel, tour, at accommodation packages ang naiulat mula 2021.

“We would like to take this opportunity to warn and remind our public na mag-ingat po. Especially, kung ang kapalit agad noon is magpapadala kayo ng pera with you not knowing kung sino ang mga ‘yun,” anang opisyal sa isang press conference sa Camp Crame.

“Sa mga travel agencies, meron naman po, puwede po nilang alamin po iyan kung sino ang authorized na travel agency na talagang may authority para magbigay ng promos with respect sa vacation and travel packages,” dagdag niya.

Tumaas ang bilang ng mga naiulat na vacation scams mula 39 kaso noong 2021, 91 noong 2022, at 313 noong 2023, base sa ACG. Ngayong taon, mayroon nang naiulat na 35 kaso.

“Vacation scam is an ICT-enabled crime where criminals impersonate legitimate establishments, offering online accommodation services at lower prices than usual. However, upon arrival, victims find their reservations nonexistent in the establishment’s system, revealing the scam,” pahayag ng ACG.

Hinikayat ni ACG chief Police Major General Sidney Hernia ang publiko na magsaliksik, at magtiwala lamang sa mga opisyal na website para sa bookings, at iwasang magbigay ng personal na impormasyon o financial details online nang hindi bineberipika kung lehitimo ang recipient.

“By staying vigilant, you can protect yourself and enjoy a worry-free vacation experience,” giit niya. RNT/SA

Previous articleBodega sa Valenzuela nagliyab!
Next article2 Pinoy kinasuhan ng murder sa natagpuang bangkay ng mag-asawa sa Japan