Home NATIONWIDE 2 Pinoy kinasuhan ng murder sa natagpuang bangkay ng mag-asawa sa Japan

2 Pinoy kinasuhan ng murder sa natagpuang bangkay ng mag-asawa sa Japan

MANILA, Philippines- Nagsilbi ang Japan police nitong Biyernes ng bagong arrest warrants sa dalawang Pilipino na umano’y pumaslang sa mag-asawa, kung saan natagpuan ang bangkay ng mga ito sa ilalim ng kanilang bahay sa Tokyo noong Enero.

Pormal nang inakusahan sina Bryan Jefferson Lising Dela Cruz, 34, at Hazel Ann Baguisa Morales, 30, sa kasong pag-abandona sa mga bangkay nina Norihiro Takahashi, 55, at kanyang asawang si Kimie, 52, sa kanilang tahanan.

Posibleng magkakakilala sila habang nasa Pilipinas at si Morales ay dating kasintahan ng anak ng mag-asawa.

Nagtungo umano ang dalawang Pilipino sa tahanan ng mag-asawa sa Adachi Ward sa Tokyo at pinagsasaksak ang mga ito noong Enero 16. Mariin naman nilang itinanggi ang pagkakasangkot sa krimen, base sa mga pulis.

Pinaniniwalaang may utang si Morales, residente ng Adachi Ward, sa dati niyang kasintahan at nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mag-asawa ukol sa relasyon niya sa kanilang anak,  batay sa investigative sources.

Nagtungo naman si Dela Cruz, residente ng Tsuchiura sa Ibaraki Prefecture, northeast ng Tokyo, sa Japan bilang isang technical trainee noong Hulyo.

Umamin si Dela Cruz, matapos inisyal na maaresto noong Enero, sa alegasyong pag-abandona sa mga bangkay subalit iginiit sa mga imbestigador na si Morales ang pumaslang sa mag-asawa.

Nag-ugat ang kaso matapos tumawag ang anak ng mag-asawa sa mga pulis nang makakita ng bahid ng dugo sa tahanan noong Jan. 16. Nadiskubre ng mga pulis ang mgalabi sa ilalim ng bathroom floor noong Jan. 18. RNT/SA

Previous articlePNP nagbabala vs ‘vacation scams’
Next articleUnang Guinness record sa pinakamaraming haing putahe ng baboy nakamit ng Pinas