Home HOME BANNER STORY Unang Guinness record sa pinakamaraming haing putahe ng baboy nakamit ng Pinas

Unang Guinness record sa pinakamaraming haing putahe ng baboy nakamit ng Pinas

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Nakalikha ang Pilipinas nitong Biyernes ng Guinness World Record para sa pinakamaraming putahe ng pork dishes na naihain, pinakauna sa nasabing kategorya.

Sinabi ni Guinness official adjudicator Sonia Usjirohochi na may kabuuang 313 iba’t ibang pork dishes ang inihain ng mga kalahok.

Kasabay ang pag-anunsyo sa  world record sa pagdiriwang ng National Hog Day sa Gateway 2 sa Cubao, Quezon City.

“More than 323 have participated in this festival, each bringing unique pork dishes nationwide,” pahayag ni National Federation of Hog Farmers vice chairman Alfred Ng.

Kabilang sa mga nakilahok ang restaurant owners, chefs, culinary schools at mga estudyante, at cooking moms.

“We’re hoping that the hog festival could intensify tourism in the country, focusing on our rich tradition of cooking Filipino dishes using pork,” wika niya.

Aarangkada ang festival hanggang Marso 5. Kasado naman ang culminating event sa Marikina Convention Center. RNT/SA

Previous article2 Pinoy kinasuhan ng murder sa natagpuang bangkay ng mag-asawa sa Japan
Next articleCassy, na-bash sa bible!