Home ENTERTAINMENT Cassy, na-bash sa bible!

Cassy, na-bash sa bible!

Manila, Philippines – Just what is the connection of the Holy Bible to the dance moves of Cassy Legaspi?!

Amg tanong na ito punctuated with an interrobang (question mark + exclamation point) ang gustong ipasagot ng nga netizens sa “paandar” ni Cassy Legaspi on her vlog nitong February 25.

Ang siste, nasa aktong nagtwe-twerk ang TV host-actress nang biglang tumigil hawak ang isang Bibliya.

Netizens couldn’t help but ask kung ano ang kuneksyon ng pagtwe-twerk ni Cassy sa hawak niyang Holy Scriptures.

Ni walang caption na inilagay si Cassy to justify it.

Hayun, umani tuloy ng sandamakmak na pang-aalipusta ang kambal nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Hindi raw ba aware si Cassy na sagrado ang aklat na ‘yon?

At dahil Holy nga ito’y dapat lang na gamitin ‘yon sa maayos na paraan.

Ang ginawa raw ni Cassy ay lantarang kawalan ng respeto sa Bibliya.

Ano ‘yon, pagkatapos niyang ibalandra ang kanyang skin and body ay isisingit niya ang paghawak ng Bible, ano’ng kunek?

May nagpayo tuloy kay Cassy na ipabasa ‘yon sa kanyang ina.

Take note, Cassy posted it barely a month before the Lenten season.

Hanggang gayon, hindi mawari ng mga relihiyosong netizens ang content ni Cassy.

Worse, ang gusto nitong palabasin!

Habang sinusulat ito’y wala pang reaksyon si Cassy.

Pero may bukod-tanging dumpensa sa kanya.

Ang ibig daw ipakahulugan ng paghawak niya sa Holy Bible ay ugaliing basahin ito sa halip na mag-twerk.

Parang hindi naman! Ronnie Carrasco III

Previous articleUnang Guinness record sa pinakamaraming haing putahe ng baboy nakamit ng Pinas
Next articleDSWD gagamit ng e-wallets sa distribusyon ng 4Ps cash aid