Home HOME BANNER STORY DSWD gagamit ng e-wallets sa distribusyon ng 4Ps cash aid

DSWD gagamit ng e-wallets sa distribusyon ng 4Ps cash aid

MANILA, Philippines- Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gamitin ang e-wallets para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Naniniwala kasi ang DSWD na ang paggamit sa e-wallets ay mas makatutulong sa mga benepisaryong matatagpuan sa geographically isolated and disadvantaged areas (GIDA), salungat sa ATMs na kailangan pa nilang magpunta ng bayan.

“The wave of the future is cashless transactions. This is an upgrade from the 4Ps beneficiaries basic deposit accounts from the current automated teller machine (ATM) cards to electronic or digital wallets,” ayon kay DSWD Spokesperson at Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez.

Sa kabilang dako, nagsagawa rin ang DSWD ng Digital Financial Literacy Programs, kasama ang Landbank of the Philippines (LBP); Bank of the Philippine Islands (BPI) Foundation; Ayala Foundation; GCash; at Pay Maya, sa ilang rehiyon mula Pebrero 24 hanggang Pebrero 29 para sa kanilang mga benepisaryo bilang paghahanda para sa e-wallet migration ng programa.

Sa naturang programa, tinalakay naman ng mga tagapagsalita mula sa ilang digital financing platforms ang kanilang financial services para sa mas episyenteng paggamit.

“Since 2019, the DSWD has been embarking on financial inclusion initiatives to ensure that all 4Ps beneficiaries have fully functioning transaction accounts that they can utilize to help them save money and empower them to become more financially independent,” ayon kay Lopez.

“With the pilot implementation of the Digital Financial Literacy Program in the Family Development Sessions (FDS) of 4Ps household-beneficiaries, we are further capacitating them about the basics of financial literacy such as mobile banking, budget and savings, and consumer protection, among others,” dagdag na wika nito. Kris Jose

Previous articleCassy, na-bash sa bible!
Next articleTensyon sumiklab sa Barangay West Rembo