Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

MANILA, Philippines- Nakaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Northern at Central Luzon ngayong Lunes at magpapaulan sa ilang lugar, ayon sa weather forecast ng PAGASA para sa unang araw ng 2024.

Magiging maulap ang kalangitan sa Batanes at Cagayan kabilang ang Babuyan Islands na sasabayan ng ulan dahil sa Amihan.

Inaasahan naman sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, at natitirang bahagi ng Cagayan Valley ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa monsoon.

Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Magiging maalon sa karagatan sa Northern Luzon, at moderate to rough na coastal waters naman ang inaasahan sa Luzon.

Samantala, inaasahan ang slight to moderate coastal waters sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:21 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:38 ng hapon. RNT/SA