Home HOME BANNER STORY Kasaganahan hiling ni PBBM para sa mga Pinoy sa taong 2024

Kasaganahan hiling ni PBBM para sa mga Pinoy sa taong 2024

MANILA, Philippines- Masaya at masaganang Bagong Taon ang ‘wish’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sambayanang Filipino sa pagsalubong sa taong 2024.

Sa isang video message, ipinalabas bago pa humiwalay ang taong 2023 at pumasok ang 2024, ” kasaganahan” ang wish ng Pangulo para sa bansa.

“Nakikisama ako sa bawat isa sa inyo na mataimtim na nananalangin na, harinawa, ang darating na mga araw ay mapuno ng pag-asa na hatid ng kasaganahan para sa lahat,” ayon sa Pangulo.

Ang New Year’s resolution naman ng pamahalaan ay ang puspusang pagsisikap upang makapagbigay ng mahusay at tapat na serbisyo na susi ng pagpaganda ng buhay ng lahat.

Winika pa nito na sa kanyang pagbabalik-tanaw sa nakaraan, naging kalugod-lugod naman ang 2023 sa mga naging accomplishments ng administrasyon.

“We look forward to the new year with a pledge to build better and more. We have set high hopes for the days ahead and we know that these can only be achieved with hard work. Bagong taon, bagong pag-asa, at bagong panata na anuman ang mga balakid na haharapin ay sama-sama nating lalagpasan,” wika ng Pangulo.

Sa kabilang dako, nagtapos ang 2023 sa deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon para sa public utility vehicle (PUV) operators, naglalayong i-consolidate o pag-isahin ang operasyon bilang bahagi ng PUV Modernization Program—na sinagupa ng transport strikes at mga araw ng protesta ng mga drivers, operators, transport groups, at supporters.

Gayunman, tinuran ng Punong Ehekutibo na hindi niya kailanman ginawang headlines ang  achievements ng administrasyon.

“We built 33 additional specialty centers, over 2,000 classrooms, and seven additional cold chain facilities…we facilitated investments in renewable energy through the award of renewable energy contracts with the total potential capacity of around 121,000 megawatts,” paglalahad niya.

“We also completed eight water supply projects with 147 additional water projects being implemented in preparation for next year,” dagdag na pahayag nito, posibleng tinutukoy ay ang banta ng El Niño, kung saan ang agriculture department at iba pang ahensya ay nagsimula nang gumawa ng hakbang para mapagaan ang epekto ng nagbabantang dry spell.

Samantala, ipagpapatuloy naman ng administrasyon na linisin ang mga alituntunin ng pamahalaan na nagpapabagal sa paghahatid ng public services, “because when projects get delayed, progress is denied our people.”

Ipinagmalaki naman ng Pangulo ang government assistance programs, kabilang na ang college scholarships at livelihood grants, at maging ang welfare programs na naglalayong tulungan ang mga tao na “maka-graduate” mula sa kahirapan. Kris Jose