Home HOME BANNER STORY Pagsalubong sa 2024 mapayapa – PNP

Pagsalubong sa 2024 mapayapa – PNP

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes na ang pagdiriwang ng New Year 2024 sa bansa ay “generally peaceful.”

“Naging mapayapa naman pangkalahatan nationwide iyong ating naging monitoring po sa pagsalubong po ng Bagong Taon,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo.

Subalit, sinabi ni Fajardo na 11 insidente ng illegal discharge of firearms ang naitala hanggang alas-4 ng umaga ngayong Lunes. Kabilang dito ang dalawang bagong kasong naiulat ng ala-1 ng hapon at alas-2 ng hapon nitong Linggo.

Sa isang isnidente, sangkot ang isang police officer sa Zamboanga. Ayon kay Fajardo, ginamit ng lasing na pulis ang kanyang armas sa likod ng kanilang barracks.

Kasalukuyang nasa ilalim ng police custody ang parak at mahaharap sa criminal ar administrative charges na posibleng magresulta sa pagkakasibak niya sa serbisyo.

Ani Fajardo, pananatilihin ng PNP ang heightened alert status nito hanggang sa susunod na linggo upang bantayan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal, seaports, at paliparan pagkatapos ng New Year celebration.

Hanggang nitong December 30, sinabi ng PNP na naaresto ang 12 indibidwal sa illegal firecrackers at nakapagtala ng 36 insidente ng illegal possession, paggamit at pagbebenta ng paputok.

Nasamsam ng mga pulis ang kabuuang 28,754 ng ipinagbabawal na paputok na nagkakahalaga ng tinatayang P244,130.

Karamihan sa mga nakumpiskang item ay five star, sawa, at pla-pla.

Posibleng maharap ang mga lumabag sa hanggang isang taong pagkakakulong, multang aabot ng P30,000, at kanselasyon ng lisenya at business permits, base sa PNP.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, New Year’s Eve, na may kabuuang 115 insidente ng firecracker-related injuries na naitala kabilang ang walong bagong kaso.

Sa walong bagong kaso, anim ang naganap sa tahanan at sa mga kalsada. Naganap ang dalawa sa itinalagang lugar para sa fireworks displays.

Lima sa mga ito ang resulta ng ilegal na paputok. RNT/SA

Previous articleKasaganahan hiling ni PBBM para sa mga Pinoy sa taong 2024
Next articleCasRen, pinaiyak at pinatawa nina Ate Vi at Boyet!