Home ENTERTAINMENT CasRen, pinaiyak at pinatawa nina Ate Vi at Boyet!

CasRen, pinaiyak at pinatawa nina Ate Vi at Boyet!

Manila, Philippines- As expected ay punong-puno ang Director’s Club na isang high-end na sinehan sa SM Megamall sa block screening ng pelikulang When I Met You in Tokyo na in-organize ng CasRen, supporter nina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

Nagkaisa ang CasRen sa pagsabing walang kupas si Ate Vi lalo’t napatawa sila sa mga cute moments nila ni Boyet, lalo na sa pagsusubuan nila ng kanya-kanyang gamot, at napaiyak din sila sa mga light drama na eksena lalo na sa ending ng pelikula.

Magaling si Boyet lalo na sa eksenang nahihirapan na siya sa kanyang sakit na hindi niya sinasabi kay Ate Vi.

Maraming moviegoers ang bumagsak ang luha nang bumagsak din sa eksena si Boyet dahil sa kanyang sakit!

Relatable ang movie lalo na sa family at mga elders na humaharap sa mga challenges ng buhay.

Kahit na si Gina Alajar na isa sa mga supporting cast at hindi pa rin kumukupas sa galing kahit na saglit lang ang kanyang eksena sa kanyang maliit ngunit importanteng role bilang dating asawa ni Boyet.

Tuwang-tuwa naman ang CasRen at hagalpakan sa katatawa kapag humihirit ng punchlines si Tirso Cruz III na gumanap bilang kaibigan ni Boyet.

Sabi nila ay parang naglalaro lang ang real life na magtropa na sina Boyet at Pip kapag nagbabatuhan ng linya.

Mas lalo namang napapatili ang CasRen every time na may eksena ang dalawa, sina Cassy at Darren.

Sa ngayon ay hindi pa rin umaamin sa tunay na status ng relasyon ang dalawa.

Swak ang theme song na When I Met You sa pelikula, na originally sang by APO. Si Boyet ang kumanta ng kanilang version sa movie.

Kinilig at napapahiyaw ang CasRen sa tuwing pinatutugtog ang theme song sa pelikula.

Ang When I Met You in Tokyo ang tinanghal na 4th Best Picture sa nakaraang Gabi ng Parangal sa MMFF. Si Ate Vi naman ang Best Actress. JP Ignacio

Previous articlePagsalubong sa 2024 mapayapa – PNP
Next articleAplikasyon para sa PUV consolidation sarado na