Home NATIONWIDE Amihan makaaapekto sa N. Luzon; easterlies iiral sa natitirang bahagi ng Pinas

Amihan makaaapekto sa N. Luzon; easterlies iiral sa natitirang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang Northeast Monsoon (Amihan) sa Northern Luzon habang iiral ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Batanes, Cagayan, at Apayao na sasabayan ng mahinang ulan dahil sa Amihan.

Makararanas naman ang Ilocos Region ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa monsoon.

Posibleng makaranas ang Mindanao ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa easterlies.

Samantala, nakaamba sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy” na kalangitan, na posibleng sabayan ng ulan dahil sa easterlies.

Ang coastal waters ay magiging moderate to rough sa Northern Luzon at sa eastern section ng Mindanao.

Iiral sa natitirang bahagi ng bansa ang slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-6:24 ng umaga at lulubog ng alas-5:56 ng hapon. RNT/SA