Home NATIONWIDE Amihan, shear line magpapaulan sa Luzon

Amihan, shear line magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa Luzon ang shear line at northeast monsoon o Amihan.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang shear line sa Isabela, Quirino, Aurora, Quezon at Camarines Norte.

Amihan naman ang iiral sa Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley na magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan, at bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa pinagsanib na epekto ng easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleLamentillo, ginawaran ng Adopted Lakan Award ng PNP Academy
Next articleManager ng viral resort sa Bohol, nagsalita na: Chocolate Hills iniingatan namin