Home HEALTH Amnesia-causing diatoms nadiskubre sa ilang shellfish farm sa Luzon

Amnesia-causing diatoms nadiskubre sa ilang shellfish farm sa Luzon

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga eksperto ang dalawang diatoms sa shellfish farms sa Luzon na maaaring magdulot ng sakit at amnesia.

“An international team of scientists has just confirmed the presence there of two species of Pseudo-nitzschia diatoms capable of producing a dangerous neurotoxin that can cause severe sickness and memory loss,” saad sa pahayag ng Ateneo de Manila Research Communications.

Idinagdag pa na ang taong makakakain ng domoic acid na mula sa Pseudo-nitzschia “may experience vomiting, nausea, diarrhea, and abdominal cramps” and memory permanent loss of short-term memory.

Nagsagawa ng pag-aaral ang mga siyentipiko mula sa Ateneo de Manila University at Universiti Malaysia Sarawak sa physical at genetic characteristics ng diatoms sa water samples ng shellfish farms sa Bacoor Bay at Pagbilao Bay sa Luzon.

“It is important to be aware of the toxic potential of these diatoms and to monitor them accordingly, but such efforts must begin by establishing their presence in our waters,” ayon sa mga researcher na sina Lorenzo Botavera, Janice Ragaza, Hong Chang Lim, at Sing Tung Teng.

“To our knowledge, the molecular taxonomy of Pseudo-nitzschia in the Philippines is virtually nonexistent,” dagdag pa nila.

Kinumpirma ng mga ito ang presensya ng Pseudo-nitzschia pungens at Pseudo-nitzschia brasiliana sa mga nakuhang sample.

“They also noted that this is the first time that P. brasiliana has ever been found in Luzon,” saad pa sa pahayag.

Dito iginiit ng mga siyentipiko ang kahalagahan ng pagmonitor sa algal blooms o red tide kung saan ang domoic acid ay maaaring tumubo sa filter-feeding shellfish gaya ng mga tahong at halaan. RNT/JGC