Home NATIONWIDE Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo

MANILA, Philippines – Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Sabado, Nobyembre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sinabi ng PHIVOLCS na ang pinakahuling ash emission episode ay naitala sa pagitan ng 5:46 ng umaga at 7:02 ng umaga.

Tumagal ito ng isang oras at 16 minuto batay sa
visual observations.

Samantala, ang ash emission ay nagtala ng light-gray plumes na umabot ng 750 metro ang taas.

Ayon sa PHIVOLCS, iniulat ang ash traces sa Sitio Bais, Brgy. Yubo, La Carlota City at Brgy. Sag-ang, La Castellana.

Samantala, naranasan din ang sulfurous fumes sa Barangays Yubo at Sag-ang.

Noon pang Oktubre 19 ay naitatala na ang degassing activity sa Bulkang Kanlaon.

“Visual monitors of the Kanlaon Volcano Network (KVN) have recorded twenty-eight (28) ash emission episodes that lasted four minutes to one hour and eighteen minutes and generated grayish plumes that rose 300 to 800 meters above the summit before drifting to the general west,” sinabi ng PHIVOLCS.

“Ash emission has been generally ‘quiet’ and occurred without seismic or infrasound signals,” dagdag pa.

Noong Biyernes, ang Bulkang Kanlaon ay nagbuga ng average na 4,701 tonnes ng sulfur dioxide.

“Kanlaon has been persistently degassing high concentrations of volcanic SO2 with a current average rate of 4,299 tonnes/day since the 3 June 2024 eruption.”

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC