MANILA, Philippines – Umupo na sa pwesto ang 47 bagong opisyal ng Department of Education.
Ang mga bagong opisyal ay nanumpa sa harap ni Education Secretary Sonny Angara noong Miyerkules, Nobyembre 6 na binubuo ng 22 Schools Division Superintendents at 25 Assistant Schools Division Superintendents mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.
“Please accept my heartfelt congratulations sa inyong lahat. I’m confident that all of you will be instruments of positive change in your communities. Alam naman ninyo siguro how crucial the role you will be playing in shaping our youth and hopefully involving our communities more in education,” sinabi ni Angara.
Ang pagtatalaga ng longtime officers-in-charge (OIC) sa mga field office ay isa sa mga isyu na tinutukan ni Angara nang maupo bilang Kalihim ng DepEd noong Hulyo, ayon kay Undersecretary for Human Resource and Organizational Development Wilfredo Cabral.
“Kasi, alam ko dito, mayroong 10 taon bago na-promote. Mayroong limang taon bago na-promote. So, mayroon tayong culture of OIC kasi sa DepEd and it’s one of the issues that the Secretary is currently addressing,” ani Cabral. RNT/JGC