Home NATIONWIDE P1.9B dried tobacco, pekeng produkto nadiskubre sa raid sa Bulacan warehouses

P1.9B dried tobacco, pekeng produkto nadiskubre sa raid sa Bulacan warehouses

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang P1.94 bilyong halaga ng mga pinatuyong tabako, pekeng produkto at mga ukay-ukay saserye ng operasyon sa ilang warehouse sa Bulacan ngayong linggo.

Ayon kay Commissioner Bien Rubio, ang mga operasyon ay isinagawa sa mga warehouse sa Guiguinto, Bulacan na suportado ng Enforcement and Security Service (ESS) at Philippine Coast Guard (PCG).

“Big operations like these take a lot of time and resources but as a testament to the enduring commitment of our officers, we were able to inspect many warehouses in three days and come up with a staggering amount of the smuggled goods being stored there,” saad sa pahayag ni Rubio nitong Sabado, Nobyembre 9.

Nadiskubre sa inspeksyon sa unang warehouse noong Nobyembre 6 ang mga ismagel na damit, gamit na sapatos, intellectual property rights infringing goods, branded bags, laruan, electric fans, wireless speakers, steel sheets, plastic resins, housewares, kitchenware, at iba pang general merchandise items.

Ayon kay CIIS Director Verne Enciso, tinatayang nasa P1.25 bilyon ang halaga ng mga ito.

Sa inspeksyon naman noong Nobyembre 8, nadiskubre ang dried tobacco sa mga sako at cigarette filter rods na aabot sa P694.4 milyong halaga ng 6,944 master cases ng sigarilyo.

“Initially, the warehouse was closed when the team returned on Nov. 8. There was also no representative to acknowledge the Letter of Authority (LOA). But with the barangay and compound representatives present, the team entered the warehouse and found raw materials to make tobacco.”

Pansamantalang ikinandado ng BOC ang mga warehouse habang itatakda naman ang inventory ng mga produkto, na gagawin ng mga itinalagang Customs examiners at sasaksihan ng CIIS, ESS, at storage representatives.

Ayon kay Deputy Commissioner for Intelligence Group Juvymax Uy, ang mga may-ari at operator ng warehouse ay binigyan ng 15 ataw mula sa pagsisilbi ng LOA na magpasa ng mga dokumento upang ipakita na ang kanilang mga produkto ay lehitimong inimport at nagbayad ng tamang duties at taxes sa ilalim ng Section 224 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“An operation can only be truly successful if we are able to file and pursue cases against these individuals and organizations. For that to happen, we make sure to follow the proper rules and procedures, including the courtesy we extend to the owners of these goods to provide us proof that these did not enter the country illegally,” paliwanag ni Uy.

Sa bigong pagpresenta ng kaukulang dokumento ay nahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Section 117 (regulated importation and exportation) at Section 1400 (misdeclaration in goods declaration) na may kaugnayan sa Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng CMTA.

Mahaharap din ang mga ito sa reklamong paglabag sa Republic Act (RA) 8293, o Intellectual Property Code of the Philippines, at RA 10963, o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN Law).

Maghahain din ng kaso ang BOC laban sa mga may-ari ng smuggled dried tobacco products sa paglabag sa bagong pirmang RA 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. RNT/JGC