Home METRO Anak grinipuhan ni tatay, dedbol!

Anak grinipuhan ni tatay, dedbol!

PANGASINAN-Patay ang isang 26-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang tatay sa Brgy. Alitaya, Mangaldan ng lalawigang ito kagabi.

Ang biktima ay isang rice mill worker, walang asawa, samantalang ang suspek ay 54-anyos, may-asawa, tatay ng biktima.

Ayon sa kapitbahay nila, bandang 10:30 ng gabi, habang nagluluto siya sa kusina ay narinig niyang nag-aaway ang mag-ama.

Nang lumabas siya ng bahay ay nakita niya ang biktimang nakabulagta na naliligo sa sariling dugo. Sa tabi nito ay may nakita siyang 17-inch knife o kutsilyo.

Nasa 8-10 metro naman ang layo ng suspek na nakasandal sa pader at may nakita siyang dugo sa mukha nito.

Nang dumating ang mga personnel ng Mangaldan MPS, isinugod ang suspek sa R1MC Annex sa Bonuan, Binloc, Dagupan City samantalang ang biktima ay dinala naman sa Mangaldan Infirmary ng mga rumespondeng RHU personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Mangaldan MPS para alamin kung ano ang puno’t dulo ng away ng mag-ama. Rolando S. Gamoso