Home NATIONWIDE Tsina bumuwelta sa G7: ‘Full of arrogance, prejudice and lies’

Tsina bumuwelta sa G7: ‘Full of arrogance, prejudice and lies’

MANILA, Philippines – BINUWELTAHAN ng Tsina ang mga lider ng G7 na nagbabala sa Beijing na tigilan na ang pagpapadala ng mga bahagi ng armas sa Russia, sabay sabing ang kanilang end-of-summit statement ay “full of arrogance, prejudice and lies.”

Nagpulong kasi noong nakaraang linggo sa Italy ang ‘Group of Seven leaders’ kung saan pinag-usapan ng mga ito ang umaasim na relasyon sa kalakalan sa Tsina, tensyon sa Ukraine at isyu ng West Philippine Sea (WPS).

Ang naturang kalatas ay ipinalabas sa pagtatapos ng summit, araw ng Biyernes, kung saan binatikos ang Tsina sa maraming usapin.

Kabilang na rito ang akusasyon laban sa Beijing na nagpapadala ng dual-use materials sa Russia, kung saan sinasabing nakatutulong sa giyera sa Ukraine.

Nito lamang Lunes, sinabi ni China’s foreign ministry spokesman Lin Jian na ang kalatas ng G7 ay mayroong “slandered and attacked China.”

Ito aniya ay mayroong “rehashed cliches that have no factual basis, no legal basis, and no moral justification, and are full of arrogance, prejudice and lies.”

Ang Group of Seven na binubuo ng Estados Unidos, Japan, France, Germany, Canada, Britain at Italy — ay napag-usapan din ang tinatawag na “dangerous” na pagpasok ng Tsina sa WPS.

“Worries of a military escalation between China and its neighbors are rising, and on Monday Philippine and Chinese vessels collided near the Second Thomas Shoal,” ayon sa Chinese Coast Guard.

“We oppose China’s militarization, and coercive and intimidation activities in the South China Sea,”ang nakasaad sa kalatas ng G7, ang paggamit ng malalakas na lengguwahe kaysa sa summit sa Japan noong nakaraang taon. Kris Jose