Home NATIONWIDE Anak ipinaaresto ng sariling ina sa Maynila

Anak ipinaaresto ng sariling ina sa Maynila

148
0

MANILA, Philippines – Ipinaaresto ng isang ina ang kanyang sariling anak dahil sa pananakot at pagdadala ng armas habang umaaligid sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey, 51 anyos, at residente ng Yuseco Street, Tondo, Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD)-Station 7, personal na dumulog sa kanilang tanggapan ang ina ng suspek na si Gng. Norma na isa nang senior citizen at iniulat ang kanyang anak na umaaligid sa kanilang bahay habang may dalang hindi mabatid na kalibre ng baril.

Agad namang tumugon ang mga awtoridad upang maberpika ang reklamo kung saan na abutan ang suspek na may hawak na baril.

Agad na inaresto ang suspek at kinumpiska ang hawak na improve sedition pen gun at isang bala ng calibre.38 nang walang maipakitang anumang dokumento sa kanyang armas.

Itinuro-over na sa MPD Forensic Unit (FU) para sa firearm identification at laboratory examination ang nakumiskang baril ng suspek.

Mahahanap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here