MANILA, Philippines – Isa pang bangkay ang narekober ng technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa walang tigil na underwater operations ngayong araw, Pebrero 22 sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3.
Bunsod nito, ang kabuuang bilang na ng mga narekober na bangkay ay umakyat na sa 65 na may 293 survivors at 14 pang nawawalang indibidwal.
Sinabi ng PCG na ang bilang na ito ay mula sa joint validation efforts ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), at mga apektadong pamilya na walang humpay na nakikipag-ugnayan sa mga interagency search and rescue authorities.
Inaasahan namang may mga labi pang mga na-trap ang matatagpuan sa ilalim ng katubigan kung saan lumubog ang barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden