Home NATIONWIDE Construction worker utas sa poste ng kuryente

Construction worker utas sa poste ng kuryente

165
0

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 55-anyos na construction worker matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa poste ng kuryente sa Brgy. Parada, Sto. Domingo, ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay residente ng Brgy. Labut, Magsingal, Ilocos Sur.

Minamaneho ng biktima ang kulay blue na Euro motorcycle at bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ng motorsiklo ang biktima.

Dahil dito, dumiretso at bumangga sa nakatayong poste ng kuryente sa east shoulder ng kalsada ang minamaneho nitong motorsiklo.

Resulta nito, nagtamo ng severe head injury ang biktima.

Agad na isinugod sa Magsingal District Hospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here