Home NATIONWIDE Natutulog na tatay, tinodas ng anak

Natutulog na tatay, tinodas ng anak

172
0

ILOCOS SUR-Tuloy-tuloy na sa mahimbing na pagtulog ang isang 59-anyos na magsasaka matapos na bawian ng buhay nang saksakin siya ng kanyang 29-anyos na anak na lalaki habang nasa kasarapan ng kanyang pagtulog sa bayan ng Lidlidda ng lalawigang ito, Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, ang mag-ama ay parehong residente ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang mag-ama ay nasa loob ng kanilang bahay.

Habang nasa kasarapan ng pagtulog ang biktima, bigla na lang umanong kumuha ng kitchen knife sa kusina ang suspek at sinaksak sa tiyan ang natutulog na biktima nang walang kadahi-dahilan.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Ang suspek ay isinuko sa pulisya ng kanyang tiyuhin kasama ang ginamit nitong kitchen knife na ang haba ay humigit-kumulang sa 32 pulgada (kasama rito ang handle). Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here