Home METRO Anak minolestiya, nabuntis pa ng sariling ama, tiklo!

Anak minolestiya, nabuntis pa ng sariling ama, tiklo!

MANILA, Philippines – Arestado ang isang tatay matapos na ilang beses na molestiyahin at mabuntis pa ang sariling anak sa Alfonso, Cavite.

Ayon sa ulat, ginagamit ng ama na panakot ang gamit nitong baril at granada.

Sinabi ng Calabarzon police na nag-post online ang anak ng suspek ng larawan ng baril at granada noong 2022 na ginagamit umanong panakot ng suspek sa anak kapag inaabuso ito.

Agad naman na nadakip sa isinagawang operasyon ang suspek.

“Nabigla tayo sa revelation na ito palang suspek ay nabuntis siya dahil doon sa pangre-rape ng tatay niya. Pinalaglag niya ito dahil sa utos din ng magulang,” pahayag ni ni Police Lieutenant Colonel Vic Cabatingan ng PNP Calabarzon sa panayam ng GMA News. RNT/JGC

Previous article14 NPA rebels patay sa mga sagupaan sa Visayas noong Pebrero
Next articlePBBM lumipad na pa-Australia sa ASEAN-Australia Special Summit