Home NATIONWIDE PBBM lumipad na pa-Australia sa ASEAN-Australia Special Summit

PBBM lumipad na pa-Australia sa ASEAN-Australia Special Summit

MANILA, Philippines – LUMIPAD si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. araw ng Linggo, patungong Melbourne, Australia para magpartisipa sa ASEAN-Australia Special Summit.

Ang Special Summit ay naglalayong gunitain ang ika-50 taong anibersaryo ng relasyon ng ASEAN-Australia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa kanyang departure message, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Special Summit ang magiging unang ASEAN leaders’ engagement para sa taong 2024, at makapagbibigay ng oportunidad para sa Pilipinas na ulitin ang national positions nito sa regional at international issues, at magtakda para sa ASEAN Dialogue Partner Summits bago matapos ang taon.

“The Summit will be an opportunity for the Philippines to thank Australia, ASEAN’s oldest Dialogue Partner, for its unwavering support for the rule of law, for the 1982 UNCLOS and the 2016 Arbitral Award through timely statements of support as well as through capacity-building and academic initiatives to mainstream appreciation of international law,” ayon sa Pangulo.

Sa kabilang dako, sa sidelines ng Summit, sinabi ni Pangulong Marcos na magdaraos ito ng bilateral meetings kasama ang Prime Ministers of Cambodia at New Zealand upang mas lalong palakasin ang pagtutulungan.

Nakatakda naman niyang makapulong ang Filipino community sa Melbourne, at i-promote ang negosyo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Philippine Business Forum na pangungunahan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Dadalo naman ang Punong Ehekutibo sa paglulunsad ng pagpapalawak sa Victoria International Container Terminal, na itinuturing na unang fully automated container terminal ng Australia.

Tinuran pa ng Pangulo na nakatakda siyang magtalumpati sa Lowy Institute kung saan ay bibigyang- diin nito ang “the Philippines’ role as an active participant in world affairs and a contributor to the rules-based regional security architecture.”

“This administration continues to ensure that our constructive engagements with ASEAN, our external partners, and stakeholders, will best serve our national interest inasmuch as we promote the region’s peace, stability, security, and prosperity for the well-being of the Filipino and all our region,” ang litaniya ng Punong Ehekutibo.

Samantala, sinabi naman ni DFA Assistant Secretary Daniel Espiritu, maghahandog naman ang Special Summit ng oportunidad para sa pamahalaan na maipakita ang ‘core position’ ng Pilipinas sa regional at international issues.

Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang Australia na manatiling committed sa mapayapang resolusyon sa alitan at panatilihin ang paggalang sa rules-based international order.

Samantala, sa darating na Nobyembre ng taong kasalukuyan, ang Pilipinas at Australia ay magdiriwang ng ika-78 taong anibersaryo ng kanilang diplomatic relations.

“Filipinos and Australians with Filipino descent number 408,000 in Australia as of 2022,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO). Kris Jose

Previous articleAnak minolestiya, nabuntis pa ng sariling ama, tiklo!
Next articlePantay na pagtrato sa PWDs, iginiit ni Tolentino