Home ENTERTAINMENT Anak na lalaki ni Jaclyn, inaasahang uuwi mula sa US ngayon!

Anak na lalaki ni Jaclyn, inaasahang uuwi mula sa US ngayon!

Manila, Philippines – Hindi pa tiyak pero inaasahang makakauwi ngayong araw ng Biyernes sa bansa si Gwen Guck, ang nag-isang anak na lalaki ni Jaclyn Jose mula sa Amerika.

Si Gwen ay anak ng namayapang aktres sa gitaristang si Kenneth llagan ng bandang The Dawn.

Nasa US si Gwen para mag-aral.

He’s expected to return today para itakda ang inurnment ng mga labi ng ina.

Magugunitang Jaclyn succumbed to heart attack in the morning of March 2 sa kanyang tahanan sa Loyola Villas.

Kung natunghayan ng mga netizens ang ini-repost ni Ogie Diaz na panayam niya kay Jaclyn two years ago, the veteran actress had fond memories of Gwen.

Base sa kuwento ni Jaclyn, si Gwen ang tipo ng anak na ayaw mamahiya ng kanyang ina.

Naikuwento kasi ni Jaclyn na may iba kasing English terms that she was not familiar with.

Pati kahulugan ng mga ito’y hindi pamilyar ang aktres.

Pero sa halip daw na i-correct siya ni Gwen ay hindi nito ginawa so as not to embarass her mother.

Malambing din daw si Gwen sa kanyang ina.

Gawing-gawi raw ni Gwen na halikan ang kanyang ulo bilang tanda ng paggalang at pagmamahal.

Inanin din ni Jaclyn na masakit man daw ang kanyang loob na mawalay kay Gwen who opted to study abroad ay ayaw niyang pigilan ang mga pangarap nito lalo’t kung ‘yon ang makakapagpaligaya sa kanya.

Buong katapatan ding sinabi ni Jaclyn na never niyang inobliga ang ama ni Gwen na magbigay ng suporta: “Eh, sa ayaw niya…eh ‘di huwag!”

Bale ang tumatayong panganay ni Jaclyn ay si Andi Eigenmann, her daughter sa pumanaw na ring si Mark Gil.

Matatandaang inilagay ni Andi ang cremated remains ni Mark sa mga bote bilang remembrance sa mga naulila nito.

Hindi tiyak if Andi will do the same to her mom’s ashes. Ronnie Carrasco IIi

Previous articleBong Go: Reporma sa ekonomiya maayos na ipatupad, may Cha-Cha o wala
Next articleDragon Ball creator pumanaw na!