Home METRO Anak na tutol sa bagong asawa ng ina, patay sa hataw

Anak na tutol sa bagong asawa ng ina, patay sa hataw

CARMEN, Bohol – PATAY ang 46-anyos na lalaki matapos paghahatawin ng tubo ng sariling ina makaraan sugurin ng una ang huli na armado ng baril noong nakaraan linggo sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Anino habang nadakip naman ang suspek at ina nitong si Leonita Edusma, 73-anyos, kapwa residente sa Barangay Poblacion, Carmen, lalawigan ng Bohol.

Nilapatan naman ng lunas sa ospital ang bagong asawa ni Leonita na si Felix Edusma, 61, sanhi ng tinamong sugat sa tiyan at paa.

Batay sa report ng Carmen Municipal Police Station, umaga ng Lunes, nag-aalmusal ang bagong kasal na sina Leonita at Felix ng dumating si Anino na armado ng baril at binaril ang bagong asawa ng kanyang ina.

Mabilis na kumuha ng tubo si Leonita at pinagpapalo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ng anak dahilan para bumulaga ito sa sahig.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor si Anino.

Desidido naman ang manugang ni Leonita na magsampa ng kaso laban sa ina ng kanyang asawa.

Sinabi ng asawa ni Emmanuel na kontra ito sa pag-aasawa ng kanyang ina kay Felix na ikinasal ang mga ito noong Hulyo 20, 2023. Mary Anne Sapico