Home METRO Ride-hailing app driver hinoldap saka ginilitan sa leeg

Ride-hailing app driver hinoldap saka ginilitan sa leeg

MANILA, Philippine – Ginilitan sa leeg saka tinangkang holdapin ng dawalang nagpanggap na pasahero ng isang ride hailing app driver sa Tanza, Cavite nitong Lunes, Mayo 13.

Maswerte namang nakaligtas ang biktima at ikinuwento ang pangyayari.

Aniya, dalawang suspek ang nag-book sa kanya kung saan pinick-up niya ito sa isang coffee shop sa Ermita at ibababa niya sana ito sa San Juan.

Pagdating umano sa Paco Bridge sa Sta Mesa, dito na nagdeklara ng holdup ang mga suspek.

Tinutukan siya ng baril sa tagiliran ng isa at kutsilyo sa likod ng kasama nito.

“Nilagyan na po nila ako tape sa mata, sa kamay at paa, then nilipat nila ako sa likod,”

“Sabi ko po sa kanila, ‘Sir kunin niyo na po lahat buhayin niyo lang po ako, meron po akong pamilya.’ Tsaka na po nila tinape pati bibig ko at nilagay po sa apakan nila,” dagdag niya.

May 2 oras umano silang bumiyahe hanggang sa makarating sa Cavite kung saan na siya at dito na umano siya tinangkang patayin at ginilitan ng mga holdaper.

“Ginilitan na po ako ng isa, dalawa… Pagpiglas ko nasaksak niya po braso ko nagpatihulog po ako sa parang kanal o creek. Awa po ng Diyos may dumaang naka motorsiklo.”

 Tinlulungan siya ng dumaang naka-motorsiklo at dinala sa pinakamalapit na ospital, kung saan siya nakausap ng Tanza police.

Agad nagsagawa ng backtracking at koordinasyon ang pulisya.

Nasampahan na nila ng reklamong carnapping, robbery at frustrated murder ang pangalan na nag-book sa biktima at mga kasama nito.

Ipapaalarma na rin sa Highway Patrol Group ang sasakyan ng biktima.

Hindi pa rin naman nahahanap sa ngayon ang mga suspek sa Antipolo at sasakyan ng biktima.

Dahil naman sa insidente hindi na muling makakabalik sa kaparehong trabaho ang biktima at nanawagan sila sa ride hailing app company ng tulong. RNT