Home METRO Anak ng mayor patay sa banggaan sa Ilocos

Anak ng mayor patay sa banggaan sa Ilocos

MANILA, Philippines – Patay ang pinakabatang anak ng mayor ng Santa, Ilocos Sur matapos masangkot sa banggaan ng big bike at SUV.

Sa CCTV footage, makikita na sakay ang biktima na si Jerome Jesus Bueno IV ng kanyang motorsiklo bago sumalpok sa paparating na sasakyan.

“Hindi niya napansin na ‘yung kasalubong niya na sasakyan, SUV. Nagkaroon ng head-on collision. ‘Yung katawan niya medyo nalamog kaya ‘yun siguro ang reason kung bakit siya namatay,” pahayag ni Santa Police Station Chief Police Captain Mark Bryan Corpuz sa panayam ng GMA News.

Labis naman ang dalamhati ni Mayor Jesus Bueno Jr. sa pagkamatay ng anak, ngunit nagsabi na hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya laban sa SUV driver.

“Bilang ama masakit ‘yung kalooban ko. Siya ang youngest, eh future public servant too sana. Nagpapasalamat po sa lahat nang nakikiramay sa amin,” dagdag pa ng alkalde. RNT/JGC