Home ENTERTAINMENT Anak ni Ai Ai, may banta kay Chloe!

Anak ni Ai Ai, may banta kay Chloe!

Manila, Philippines- Ang laban ng ina ay laban din ng anak.

Ito ang gustong patunayan ni Sophia de las Alas, ang nag-iisang babaeng anak ni Ai Ai, patungkol kay Chloe San Jose.

Obyus na minasama ni Chloe ang well-meaning advice ng Comedy Queen sa kung dapat pakitunguhan ni Chloe si Angelica, ang ina ng kanyang nobyong si Carlos Yulo.

Ang kay Ai Ai ay malinaw na malasakit lang para kay Chloe who apparently took it otherwise.

Nito kasing kinumpirma mismo ni Ai Ai na hiwalay na sila ni Gerald Sibayan–her partner of 10 years–ay may kuda si Chloe.

Ayon dito sa kanyang social media account: “Back to you, Mamang.

“Hindi para pagtawanan ang sitwasyon mo kundi para sabihing kung ano ang ginagawa mo sa iba, babalik sa iyo 10x…it’s just the universe’s law!”

Pero sorry na lang to disappoint Chloe if she thought na papatulan siya ni Ai Ai.

Sa dami nga naman ng iniisip ni Ai Ai, pag-aaksayahan ba naman niya ng panahon si Chloe?

Sa halip, it’s Sophia who took the cudgels for her mom.

Tulad ni Chloe, Inglisera rin si Sophia.

But what sets Ai Ai’s daughter apart ay palaban ito.

Kalabisan nang sabihing there’s something between her ears.

Buwelta niya kay Chloe, kung talagang matapang daw ito’y gawin nitong public ang patutsada niya sa kanyang ina.

Obviously, bahag ang buntot ni Chloe.

Dagdag pa ni Sophia, bakit daw feeling offended si Chloe gayong girlfriend pa lang naman siya ni Carlos?

Pero ang matindi’t hahamon sa katapangan ni Chloe ay ang parting shots ni Sophia.

Aniya: “Huwag kitang makita sa Manila, baka ako naman ang magdala ng karma sa iyo!”

Afraid!!! Ronnie Carrasco III