Home METRO 75,000 katao nasa evacuation centers pa rin sa hagupit ng magkakasunod na...

75,000 katao nasa evacuation centers pa rin sa hagupit ng magkakasunod na bagyo

MANILA, Philippines — Mahigit 24,000 pamilya, o 75,000 katao, ang nananatili sa 566 evacuation centers sa buong bansa dahil sa sunud-sunod na bagyong tumama sa county.

Nasa 11,000 pamilya naman — 36,000 katao — ay nakisilong sa mga kamag-anak o sa mga kaibigan.

Sinabi ng National Risk Reduction and Management Council nitong Linggo ng umaga na 238,000 pamilya – 825,000 katao – ang naapektuhan ng Super Typhoon Pepito, kung saan karamihan sa kanila ay nasa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol region at Cordillera Administrative Region.

Naitala naman ang dalawag sugatan bunsod ng bagyo sa Dilasag, Aurora — isang 16-anyos na lalaki na nawalan ng hinlalaki nang malakas ang hangin sa pagsara ng pinto sa isang evacuation center, at isang 37-anyos na lalaki na nasugatan ng isang nylone na lubid sa Barangay Masagan.

Samantala, 7.800 kabahayan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera ang nasira sa bagyo.

Sa Central Luzon, 62 ektarya ang naapektuhan ng bagyo, na nagdulot ng P855,000 na pinsala sa agrikultura.

Umabot na sa P469 milyon ang pinsala sa imprastraktura sa buong Cagayan Valley, Central Luzon at Cordillera.

Samantala, idineklara ang state of calamity sa Quirino province, sa Santiago at Cabagan sa Isabela province, gayundin sa Dilasag, Aurora at sa Paracelis, Mountain Province.

Ang bayan ng Aguinaldo sa Ifugao ay naglabas ng katulad na deklarasyon. RNT