Home METRO Bustos Dam nagpakawala ng tubig

Bustos Dam nagpakawala ng tubig

BULACAN – Nagpakawala ng tubig ang Bustos Dam bilang paghahanda sa paghagupit ni Bagyong Pepito, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng nasabing probinsya.

Sinabi ni retired Col. Manuel Lukban, na namumuno sa PDRRMC, na nagsimula ang preemptive water release noong Biyernes at nagpatuloy sa ikatlong sunod na araw.

Samantala, may kabuuang 729 na indibidwal o 215 pamilya sa apat na baybaying barangay ng Bulacan ang isinailalim sa preemptive evacuation dahil sa posibleng epekto ng “Pepito”.

Mahigit 500 indibidwal ang inilikas mula sa mga nayon ng Binuangan at Salambao sa bayan ng Obando habang mahigit 160 indibidwal ang preemptively na inilikas mula sa Barangay Pamarawan at Atlag sa Lungsod ng Malolos. RNT