Home ENTERTAINMENT Anak ni Janice, binansagang “anak ng cheater”!

Anak ni Janice, binansagang “anak ng cheater”!

Manila, Philippines – Unfair!

Ito ang halos nagtutumiling reaksyon ni Janice de Belen sa malinaw na unfair branding sa kanyang anak na si Kaila Estrada.

Si Kaila ay anak ni Janice kay John Estrada.

Bukod sa bansag ay ginawan pa ng meme si Kaila–labeled as “anak ng cheater.”

Kung tutuusin, damay na lang si Kaila dahil bahagi siya ng Kapamilya teleseryeng Incognito.

Isa siya sa pitong bida nito alongside ang kontrobersyal na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

May meme nga na kumakalat na hindi raw dapat Incognito ang pamagat nito kundi “Cheaters.”

Imagine, ang indultong dapat sana’y pinagdudusahan nina Maris at Anthony ay kumalat hanggang kay Kaila?

Dahil dito, hindi napigilan ng ina nito na si Janice na pumalag.

Aniya, okey lang daw mabansagan ng ganoon ang anak kung sakdal-linis ang nagsasabi niyon.

“When you brand people, you damage their reputation!” katwiran ni Janice.

Nag-lecture pa ang beteranang aktres tungkol sa wastong paggamit ng social media.

Nilikha raw kasi ito for people to get connected anywhere at any time.

“But it turns out that social media is becoming a place of hate!” dagdag pa niya.

‘Yung bansag nga naman kay Kaila ay obyus na may reference sa ama nitong si John, base na rin sa mga balita kamakailan tungkol sa kanya. Ronnie Carrasco III