Home METRO P10.2M shabu nasabat sa anti-drug ops sa W. Visayas

P10.2M shabu nasabat sa anti-drug ops sa W. Visayas

ILOILO CITY- Nakumpisa ng Western Visayas anti-drug operatives ang mahigit P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa pinaigting na operasyon, base sa Police Regional Office nitong Huwebes.

Nagsimula ang 24-oras na operasyon ng alas-6 ng umaga noong Dec. 10 hanggang alas-5:59 ng sumunod na araw kung saan nasamsam ang halos 1,206 gramo ng ilegal na droga na may estimated market price na P8.2 milyon.

Nagresulta rin ang mga operasyon sa pagkakaaresto sa 19 suspek.

“Of the number of arrests, four are tagged as high-value individuals, and fifteen are street-level individuals,” pahayag ng PRO6.

Nalambat ng Negros Occidental Police Office ang pinakamalaking volume ng hinihinalang illegal drug confiscation, na aabot sa P5.7 milyon, sinundan ng Iloilo City Police Office sa P2.4 milyon.

Hapon ng Dec. 11, nasabat ng Pavia Municipal Police Station-Drug Enforcement ang nasa 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.04 milyon sa isang buy-bust operation sa barangay Pagsangaan, Pavia.

Nadakip ang isang high-value individual na kinilala sa pangalang Manong, residente ng Barangay Bakhaw Manduriao, Iloilo City, at alyas Lyn ng Sibulan, Negros Oriental.

Nasa ilalim na ng kustodiya ng kapulisan ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA