Home NATIONWIDE Feeding program sa public schools, CDCs palalawakin sa 2026-2027 – Gatchalian

Feeding program sa public schools, CDCs palalawakin sa 2026-2027 – Gatchalian

3
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng pagbubukas ng School Year 2026-2027, binigyang diin ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na sisimulan ngayong taon ang pinalawak na mga feeding program sa mga pampublikong paaralan at mga Child Development Centers (CDCs) upang masugpo ang malnutrisyon sa mga Pilipinong mag-aaral.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P25.7
bilyon ang inilaan para sa School-Based Feeding Program (SBFP).

Ngayong taon, magiging saklaw na ng naturang programa ang lahat ng mga mag-aaral ng Kindergarten at Grade 1 sa mga pampublikong paaralan.

Palalawakin din ng programa ang bilang ng feeding days sa 200 mula 120.

Inaasahang 4.6 milyong mga mag-aaral ang makikinabang sa naturang programa, kabilang ang mga wasted, severely wasted, stunted, at severely stunted learners mula Grade 2 hanggang Grade 6.

Samantala, naglaan naman ng P9.2 bilyon sa
ilalim ng 2026 national budget para sa Supplementary Feeding Program (SFP) ng Department of Social Welfare and Development.

Gamit ang naturang pondo, inaasahang masusuportahan ng programa ang humigit-kumulang 1.8 milyong batang naka-enroll sa CDCs at Supervised Neighborhood Play.

Nakatakda ring madagdagan ang feeding days ng programa sa 200 mula 120.

“Isa sa pinakamahalagang tinutukan ng
makasaysayang pondong inilaan natin para sa edukasyon ay ang laban kontra gutom
at malnutrisyon ng ating mga mag-aaral. Kapag sapat ang pagkain at maayos ang
nutrisyon ng bata, mas handa silang matuto at abutin ang kanilang mga pangarap,” ani Gatchalian. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here