Home NATIONWIDE Sa impeachment trial, Jinggoy pwede maging hukom sa araw; preso sa gabi...

Sa impeachment trial, Jinggoy pwede maging hukom sa araw; preso sa gabi – Lacson

3
0

MANILA, Philippines – Hindi man binanggit ang pangalan, maaaring makadalo si Senador Jinggoy Estrada sa impeachment court sa araw, pero babalik kaagad bilang Person Deprived of Liberty (PDL) o preso sa gabi pagkatapos ng paglilitis.

Ganito ang suhestiyon ni Senador Panfilo Lacson sa lahat ng senador na nakasuspinde at nakakulong tulad ni Estrada na nahaharap sa kasong plunder at iba pang kaso kaugnay ng flood control scandal.

Iminungkahi ni Lacson nitong Linggo na gamitin ang isang mekanismo na pahihintulutan ang mga senador na nakadeteni sa flood control scandal na makadalo sa paglilitis ni Vice President Sara Duterte upang magampanan ang kanilang tungkulin sa impeachment court,

Ani Lacson, bagama’t pareho ang komposisyon ng Impeachment Court at Senado, maaaring ang detensyon at preventive suspension ng mga senador kaugnay ng usapin sa flood control ay sumasaklaw lamang sa kanilang tungkulin bilang mga mambabatas, dahil magkaibang entidad ang Impeachment Court at ang Senado.

“Isang dapat pag-aralan din, although sa Impeachment Court ang composition is the same as the composition of the Senate, subject sa interpretation ito if it comes to that – dahil kung separate entity ang Impeachment Court and Senate, baka pwedeng hindi kasama ang kanilang suspension sa pagganap sa kanilang tungkulin as Senator Judge,” aniya sa panayam sa DZBB radio.

Nagpahayag ng pangamba si Lacson na kung sakaling hypothetical na hindi bababa sa siyam na senador ang mapasailalim sa preventive suspension kaugnay ng iskandalo sa flood control — gaya ng tinatayang posibleng mangyari — maaaring hindi na sapat ang bilang upang makabuo ng malinaw na hatol dahil kinakailangan ang hindi bababa sa 16 na boto para sa isang conviction, tulad ng ninanais ng ilang sektor.

“Paano kung nakulong siyam at naiwan sa Senate 15? Paano magkaroon ng maliwanag na decision to convict or acquit? Ibig sabihin ba noon automatically acquitted dahil 15 lang ang bumoto? Sa akin hindi,” aniya.

“Kung may suspension, tatalima kami sa korte. Pero baka pwede kaming paalam for purpose of the impeachment trial, baka pwede i-stay ang suspension or interpret na suspended sila as senators ang pagganap nila ng legislative function pero hindi kasama ang suspension sa pagganap nila bilang senator judges. Otherwise it’s going to be a crisis. Walang impeachment na magaganap kasi foregone na ang decision na di ma-convict dahil 15 maiwan na senator judges for that matter,” dagdag niya.

Sinabi ni Lacson na kung papayagan ng hukuman, maaaring dumalo ang mga nakadetineng senador sa impeachment trial sa ilalim ng pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Aniya, ang tanging posibleng alanganing sitwasyon ay ang larawan ng mga senador na magiging “senator judges by day and detainees by night,” dahil magsusuot sila ng kanilang senator-judge robes habang may paglilitis at babalik naman sa kanilang uniporme bilang persons deprived of liberty (PDLs) matapos ang sesyon para sa araw na iyon.

Isa pang opsyon, aniya, ay ipagpaliban ang impeachment trial hanggang sa matapos ang 90-araw na preventive suspension.

“Maganda ang discussion natin kasi these are within the realm of possibility. Di imposible kasi pwede mangyari yan, kaya mabuti discuss natin ito para legal eagles, pwedeng magsagawa ng pag-aaral sa ngayon pa lang in the event maganap ang ganyang scenario,” aniya.

Samantala, ibinasura ni Lacson bilang isang “devious” ang pahiwatig ni ex-Senate President Alan Peter Cayetano na maaaring subukan ng mayorya na ibaba sa 12 ang kinakailangang bilang ng boto para sa hatol na pagkakasala o pagpapawalang-sala kay Bise Presidente Sara Duterte.

Sinabi ni Lacson na para sa kanya, susundin niya ang probisyon ng Konstitusyon na nagsasaad na kinakailangan ang boto ng dalawang-katlo ng lahat ng miyembro, o 16 na senator-judges, upang magkaroon ng hatol na pagkakasala.

“I can only speak for myself and I think some of my colleagues sa majority bloc, ganun din ang takbo ng isipan na mag-stick tayo first and foremost sa Constitution. Pag sinabing 16, 2/3 ng 24, 16. Hindi pwedeng bawasan yan,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here