Home ENTERTAINMENT Enrique Gil, ayaw tantanan ng ‘nakabuntis’ isyu!

Enrique Gil, ayaw tantanan ng ‘nakabuntis’ isyu!

1
0

Manila, Philippines – Ayaw paawat ng tsika na nakabuntis daw umano si Enrique Gil, ayon sa mga katikatera at sawsawera.

Naging topic din ito at pinag-usapan sa online show ng dating manager ng ex niyang si Liza Soberano.

Ayon sa nasabing talent manager turned vlogger, may nangumusta nga raw sa kanya kung totoong magiging ama na si Enrique.

May tsika rin daw kasing kumakalat na sighted ang actor na sinamahan ang rumored dyowa nito sa isang doktor kaya naman lalong naging maugong na ‘on the family way’ na si girl.

Hindi naman niya pinangalanan kung sino ang ghurl na nadyuntis ni Enrique.

Sey naman ng nabanggit na showbiz journalist, wala naman siyang nakikitang masama kung nakabuntis nga ang aktor.

Nasa tamang edad na rin kasi ito para mag-settle down at for sure ay bet na ring bumuo ng pamilya.

Besides, matagal na naman silang break ni Liza at naka-move on na with respective careers.

Bukas naman ang pitak na ito sa panig ni Enrique hinggil sa kontrobersya. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here