MANILA, Philippines – BAGSAK sa kulungan ang isang security guard nang mahuli sa akto ng mga pulis na bumabatak umano ng shabu sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Robert”, 45, residente ng Bocaue, Bulacan.
Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Police Sub-Station 2 sa M. Delos Reyes Compound, Brgy., Gen T De Leon nang maaktuhan nila ang suspek na sumisinghot umano ng shabu dakong alas-4:10 ng hapon.
Kaagad nila itong nilapitan saka inaresto at nakumpiska sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 12 at 15 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Merly Duero