Home NATIONWIDE UP Law grad namayagpag sa 2024 Bar examsNATIONWIDETOP STORIES UP Law grad namayagpag sa 2024 Bar examsDecember 13, 2024 15:06 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines- Nanguna ang law graduate ng University of the Philippines (UP) sa 2024 Bar examinations, ayon sa Supreme Court nitong Biyernes.Si Kyle Christian Tutor ng UP College of Law ang nasa unang pwesto na may overall rating na 85.7700%.Ang passing rate ngayong taon ay 37.84%.May kabuuang 3,962 examinees ang pumasa ngayong taon, mas mataas kumpara sa 3,812 noong 2023.Samantala, 10,490 mula sa 10,504 aplikante ang nakakumpleto ng tatlong araw na 2024 Bar examinations, isinagawa noong Setyembre 8, 11, at 15. RNT/SA