Home METRO Anak sinaksak ng ama matapos magtalo sa inuman

Anak sinaksak ng ama matapos magtalo sa inuman

207
0

QUEZON, Philippines – Malubhang nasugatan ang isang 46-anyos na magsasaka matapos siyang saksakin ng kanyang ama habang nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion, Patnanungan, Quezon noong Biyernes, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat, bandang alas-1:30 ng hapon ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktimang si “Allen” at ang kanyang ama na si “Abet,” na nauwi sa pananaksak gamit ang bolo sa tiyan ng biktima.

Isinugod ng mga kaanak si Allen sa Patnanungan Rural Health Unit para malunasan.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente at kasalukuyang tinutugis ng pulisya.

Patuloy pa ang imbestigasyon dahil hindi pa malinaw ang buong detalye ng naging alitan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here