Home NATIONWIDE Chinese Embassy, PCG nagbanggaan sa isyu ng barkong Tsino sa EEZ ng...

Chinese Embassy, PCG nagbanggaan sa isyu ng barkong Tsino sa EEZ ng Pilipinas

224
0

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang bantayan sa pagitan ng Chinese diplomatiko sa Manila at Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Jay Tarriela.

Nito lamang Miyerkules ay nagkaroon muli ng matinding sagutan sa pagitan ni Guo Wei deputy spokesperson ng Chinese Embassy sa Pilipinas kay Tarriela sa social media na nagsimula pa noong Disyembre 25.

Pinagtuunan nila ang legalidad ng dalawang insidente ng pagpasok ng mga barkong Tsino sa teritoryo ng Pilipinas–una noong Disyembre 25 nang magbigay ng humanitarian assistance ang Peoples Liberation Army Navy (LYAN) Luyang III-class guided-missile destroyer sa mga mangingisdang Pilipino sa Zambales; sinundan ito noong Disyembre 30 nang makita ang Chinese Research Vessel (CRV) Tan Suo Er Hao sa labas ng Cagayan province.

Sa komento ni Guo sa social media ng Chinese Embassy sinabi niya na Legal ang mga aksyon ng mga barkong Tsino at walang katotohanan ang mga pahayag ni Tarriela.

Una rito nagtanong si Tarriela sa intensyon n tulong ng Tsina sa mga mangingisdang Pilipino at sinabi na nasa loob sila ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas nang walang pahintulot at puro public ito lang umano.

Iniulat din niya ang ilegal na presensiya ng research vessel ng Tsina sa maritime Domingo ng bansa at pinuna si Guo sa paggamit ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) bilang basehan ,gayong hindi naman ito sinusunod ng Tsina pagdating sa arbitral award sa West Philippine Sea.

Ayon kay Guo paulit-ulit aniyang sinabi ni Tarriela na walang naibigay na impormasyon ang Tsina bago ang rescue Operation noong Disyembre 25 kahit na may recording na ng communication audio.

Tungkol naman sa research vessel noong Disyembre 30 sinabi niya na normal passage lang ito at mali ang pagsasabi ni Tarriela na may koneksyon to sa sovereign tigas ng Pilipinas sa EEZ.

Sa gitna ng harassment ng Tsina sa mga mangingisda at tropa ng Pilipinas sa WPS, sinabi ni Guo na sumusunod ang kanilang mga aksyon sa international law at batas ng Tsina.

Binalaan din niya sa Tarriela na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon at huwag magpadala ng galit sa pagitan ng mga tsino at Pilipino–bago lumala ang sitwasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here