Home ENTERTAINMENT Andi, posibleng magbalik-showbiz!

Andi, posibleng magbalik-showbiz!

Manila, Philippines – Labis na ikinatuwa ni Andi Eigenmann ang sinabi sa kanya ng C00 ng ABS-CBN nang dumalaw ito sa burol ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

Mismong sa bibig na kasi ni Cory Vidanes nanggaling na nakahandang tanggaping muli ng istasyon ang “Island Girl” should she decide to stage a TV comeback.

Si Andi lang daw ang kanilang hinihintay.

Matatandaang Andi left showbiz in favor of a quiet, peaceful life on Siargao island kapiling ang kanyang partner na si Philmar Alipayo.

Dalawa ang anak ni Andi kay Philmar pero kasama niya rin sa isla ang panganay niyang si Ellie, her child by Jake Ejercito.

Nasabi nga ni Andi sa sarili na: “May asim pa pala ako!” after she was told by the network lady executive na welcome siyang muli.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang welcoming reaction ni Andi.

Ipinagdarasal nilang ikunsidera ng aktres na magbalik-showbiz.

Pero nagpauna na si Andi.

Sa latest vlog interview ni Ogie Diaz sa kanya, at the moment daw ay hindi pa raw sumasagi sa kanyang isip to revive her TV career.

Aniya, marami pa raw siyang inaasikaso sa Siargao where she chose to setle for good.

Nagtayo kasi roon sina Andi at Philmar ng snack bar doon.

Meron din silang binuksang surfing school as Andi’s partner is a surfing champion himself.

Ang pag-lie low ni Andi sa showbiz ay may basbas mula sa kanyang ina na hangad ang kaligayahan para ss dalawang anak nito.

Andi was last seen via a family-oriented series on ABS-CBN.

Ang huling pelikula naman niya before she slipped into retirement ay ang remake ng Angela Markado ni direk Carlo J. Caparas.

Whenever she got the chance noon ay umuuwi silang magpapamilya mula Siargao to reunite with Jaclyn and her close Manila-based relatives.

Dahil wala na nga ang kanyang ina, ipagpatuloy kaya ni Andi ang iniwang legacy nito sa showbiz?

We can only keep our fingers crossed. Ronnie Carrasco IIII

Previous article100 naval reservists inilagay sa Batanes
Next articleComelec, Miru pipirma na ng kontrata sa 2025 AES