Home ENTERTAINMENT Andi, umalma sa isyung ‘hiwalay’ na sila ng dyowa!

Andi, umalma sa isyung ‘hiwalay’ na sila ng dyowa!

Manila, Philippines- Hindi lang nakasama sa Japan para magbakasyon ay kumalat na agad

sa social media na hiwalay na si Philmar Alipayo sa kanyang partner na si Andi Eigenmann.

Ito ang bagong intrigang ipinagpuputok ng butse ni Andi.

Naiwan kasi sa bansa si Philmar habang kinaray naman niya ang kanyang tatlong anak sa Japan.

Bitbit ni Andi si Ellie na anak niya kay Jake Ejercito, at sina Lilo at Koa na anak naman niya kay Philmar.

Kasama rin sa biyahe para magbakasyon sa Japan ang nakatatandang kapatid ni Andi na si Gabby at ang pamilya nito.

Obyus na gawa-gawa lang ang balita dahil kung matatandaan, kinailangang sumailalim si Philmar sa isang medical procedure kamakallan.

Labis ngang ikinagulat ni Andi ang kumalat na balitang hiwalay na sila ni Philmar.

Matatandaan ding ipinagpaliban ng couple ang dapat sana’y pagpapakasal nila following the untimely death of Jaclyn Jose.

Speaking of whom, inalmahan din ni Andi ang obserbasyon ng ilang netizens tungkol sa kanyang pagluluksa.

Kesyo idinaan lang daw ni Andi sa “akting” o drama ang nadaramang lungkot sa pagpanaw ng ina.

Magugunitang umaga ng February 2 nang matagpuang wala nang buhay ang kauna-unahang Filipino Cannes Film Festival actress sa kanyang tahanan.

Heart attack ang naiulat na kumitil sa buhay nito.

As for Andi, hindi raw niya kailangang patulan ang sinasabing drama lang niya sa pagpanaw ng ina.

“I don’t think I would even want to dignify what some people are saying. Please give my nanay peace she deserves!” mariing pakiusap ni Andi. Ronnie Carrasco IIi