Home HOME BANNER STORY 16 lugar binalaan sa mapanganib na lebel ng heat index

16 lugar binalaan sa mapanganib na lebel ng heat index

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa mapanganib na lebel ng heat index ang 16 na lugar sa bansa ngayong araw, Mayo 5.

Ayon sa forecast ng PAGASA, ang mga sumusunod na lugar ay makararanas ng 42 degrees Celsius hanggang 48 degrees Celsius na heat index:

48°C
—Aparri, Cagayan

47°C
—Dagupan City, Pangasinan

45°C
—Virac (Synop), Catanduanes

44°C
—Laoag City, llocos Norte
—Bacnotan, La Union

43°C
—Tuguegarao City, Cagayan
—Masbate City, Masbate

42°C
—MMSU, Batac, Ilocos Norte
—ISU Echague, Isabela
—Casiguran, Aurora
—Puerto Princesa City, Palawan
—Cuyo, Palawan
—Roxas City, Capiz
—Dumangas, Iloilo
—Zamboanga City, Zamboanga del Sur
—Cotabato City, Maguindanao

Tinukoy ng PAGASA ang heat index bilang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao, kaiba sa aktwal na air temperature. Nakukuha ito sa pagkalkula ng humidity at air temperature.

Sa mga lugar na nasa ilalim ng mapanganib na lebel ng heat index, malaki ang banta ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke sa isang tao.

Nitong Sabado, iniulat ng Department of Health (DOH) na tumaas sa 77 ang kaso ng heat-related illnesses ngayong taon.

Batay sa monitoring mula Enero 1 hanggang Abril 29, 87% o 67 sa mga kasong ito ay edad 12 hanggang 21. RNT/JGC