Home NATIONWIDE Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng bansa

Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa malaking bahagi ng bansa

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Mayo 5.

Ayon sa PAGASA, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Davao Oriental, Davao Occidental at Sarangani dahil sa easterlies.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm naman ang inaasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC