Home ENTERTAINMENT Luis, sumailalim sa biopsy, inilihim kay Ate Vi at Edu!

Luis, sumailalim sa biopsy, inilihim kay Ate Vi at Edu!

Manila, Philippines- Benign or malignant?

Sa abot ng kaalaman ni Luis Manzano, kinakailangang ipa-biopsy ang growth sa anumang bahaging katawan para malaman kung ito’y cancerous o hindi.

Nitong May 4, ibinahagi ni Luis sa kanyang vlog ang kuwento sa likod ng kanyang lumaking nunal o growth sa kanyang anit.

Bata pa raw siya nang magkaroon nito pero hindi raw niya pinag-uukulan ito ng pansin until his stylist took notice of it.

Para raw makatiyak, Luis thought best to have it biopsied or examined.

Aminado ang TV host-actor na may halong kaba ang maisip man lang ipasuri kung ano ang tumubo sa kanyang anit.

Una raw siyang nagsadya sa Belo branch sa Alabang.

Ayon sa derma nito, “It looks okay naman!”

Para makatiyak, kumunsulta rin si Luis sa dalawang surgeon na nagsabi na from the looks of it ay okey naman daw ito.

Umabot na raw sa apat na doktor ang kinausap niya.

Inamin ni Luis na nakuha raw niyang ilihim ‘yon sa kanyang ina, si Vilma Santos.

Maging ang ama niyang si Edu Manzano ay hindi rin niya pinagsabihan.

The same goes for his Tito Ralph Recto.

Tanging ang misis niyang si Jessy Mendiola lang daw ang nakakaalam niyon at ilang mga kaibigan.

Paglilinaw niya, sinadya niyang huwag munang ipagtapat ‘yon sa kanyang ina knowing she’d tend to panic, to the point na maya’t maya raw siyang tatawagan.

Habang sinusulat namin ito’y naipa-biopsy na ni Luis ang “abnormal growth” sa kanyang anit.

“I just hope the result will be okay,” ani Luis who was doing his vlog inside his car.

Three to five days pa raw mula nang ipa-biopsy niya ito makukuha ang resulta which he hopes to be favorable. Ronnie Carrasco III