Home ENTERTAINMENT Anne, kumanta ng sintunado, inulan!

Anne, kumanta ng sintunado, inulan!

Manila, Philippines- May kasabihan ang mga sina-unang matatanda na kung kailangang magpa-ulan, kailangang may kumakanta ng sintunado. Sintunado dapat ang boses para effective.

Kaya naman nawindang ang It’s Showtime host Anne Curtis sa comment ng isang netizen tungkol sa kanya.

Nahilingan kasing umawit si Anne sa kasalang Angelica Panganiban wedding reception na ginanap sa Siargao. Sa isang video clip na agad nag-viral, sey ng netizen, “Si Anne kung saan-saang event kumakanta this month ngunit hindi pa rin umuulan?”

Sinagot naman ni Anne ang comment ng netizen, “Um, excuse me? Umuulan po dito sa Siargao ngayon. Ha, ha, ha,” natatawang sabi ni Anne. Ador Saluta