Manila, Philippines- Dinepensahan ni Direk Cathy Garcia-Sampana si Daniel Padilla mula sa akusasyong pinigilan niya ang ex girlfriend na si Kathryn Bernardo na gawin ang part two ng movie nila ni Alden Richards na “Hello Love Goodbye.”
Si Direk Cathy ang direktor ng “Hello Love Goodbye” na kumita ng mahigit P800M at nagtala bilang highest grossing film of all time noong 2019.
“Ah…hindi naman,” diin ni Direk Cathy.
“Kasi hindi naman kayang hadlangan ni Daniel ang ganoong kalaking proyekto. At si Kathryn naman ay may sariling isip. So pag gusto niya, gusto niya.”
Matagal na raw pinagiisipan gawin ang part 2 ng ‘Hello Love Goodbye.”
“Kaya lang maraming nangyari. Nagka-pandemya. Maraming namgyari na…hindi lang natuloy.
“Hopefully, with God’s permission matuloy na siya finally,” dasal pa niya.
May unsolicited advise naman si Direk Cathy kay Kathryn na nababalitang may relasyon na sila ni Alden.
“Oo, pero ako gusto ko munang magpahinga ang puso ni Kathryn. Para mas open kapag tumanggap ng bago kahit sinuman ‘yun,” lahad niya.
Anyway, kasalukuyang nasa Canada si Direk Cathy para umattend sa Toronto Film Festival. At meron ding free screening ang “Hello Love Goodbye” para sa sandaang katao.
Bago umalis si Direk Cathy ay nag-judge muna siya sa semi-final round ng singing competition, ang “Gimme A Break” Teachers Edition ng Nickl Entertainment.
Ang Nickl Entertainment ay itinayo at pinamamahalaan ni Direk Cathy. At brainchild ni Direk Cathy ang “Gimme A Break.”
Pito ang naglaban-laban na mystery contestants sa semi-final round kasabay ng 54th birthday celebration ni Dr. Carl Balita.
Tatlo ang nanalo sa semis at maglalaban-laban sa grand finals na gaganapin sa buwan ng Hunyo.
Ang top three mystery contestants na nakapasok sa grand finals ay sina Blue Bird, Scarlet Pitch at GClef.
Ang mga hurado ay pinangungunahan ni Direk Cathy, Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Beverly Salviejo, Rocky Garcia and Frenchy Dy.
Sabi ni Direk Cathy “Masaya ako kasi alam mo naman ang ating ating intensyon. Makatulong and more than that, mai-showcase ang talent ng Pinoy.” Julie Bonifacio